Thursday, February 7, 2013

Doon po sa Sampaloc


Brgy. Sampaloc,  Tanay, Rizal




Iba't ibang lugar sa Tanay, Rizal
 ibat' ibang pamumuhay ang iyong mamasdan,
 sa Brgy, Sampaloc, ang mga tao ay nagkakabuklod buklod
Nang ang kanilang nais ay maitaguyod,

Iyong panoorin ang videong tampok,
Nang maisip kung ano nga ba ang buhay sa bundok,
Mga batang maliliit pa ay hinuhubog,
sa mga kaugaliang dapat  na ihutok.

Kasama ang komunidad, guro at magulang
magtuturo sa  mga batang mangmang
Upang malaman ang dapat ilaman 
sa mga utak ng ating kabataan.

Facebook, twitter, google at iba pa,
mga pamamaraan na nais nila,
sa panahong ito ay alam na alam na,
ganyan ka advance ang  buhay nila.

Sa mga sumusubaybay sa blogg na ito,
Wag mainip at magkikita din tayo,
Sa pag-feature ng lugar na ito,
Marami ka pang mababasa dito.


SEE YEAH!!!! :)



naruto with his father


do you love to sing? watch it..


solar system


sineskwela gr.v energy


sineskwela


I love school


Education


PAGCOR BUILDING

Wednesday, February 6, 2013

Aming Paaralan


PAARALANG ELEMENTARYA NG SAMPALOC

          Ang paaralang ito ay isa sa pinakamaking paaralan sa Distrito ng Tanay II na may mahigit isang libong mag-aaral mula sa iba't ibang lugar ng Brgy. Sampaloc, sa Tanay Rizal. Ito rin ay may apat na apu't limang guro at pinamamahalaan ng isang mabait na punong guro na siya na ring Coordinating Principal ng Tanay II.
        Malaki na rin ang pagbabago sa paaralang ito, kabilang dito ang pagkakaroon ng E-Classroom kung saan ang mga mag-aaral maging ang mga guro ay maraming natutunan tungkol sa computer, kabilang din dito ang PAGCOR Building na kasalukuyan nang silid-aralan ng mga mag-aaral na nasa ikaapat na baitang.
       Kung iyo namang nais na malaman ang klima, para ka na ring nasa Baguio dahil sa lamig dito, lalo na kung sa panahon ng tag-ulan, para mo nang mahahawak ang ulap na nasa iyong harapan, ni hindi mo makikita ang kalapit na buliding sa kapal ng "fog". Kung iyong tatanungin paano naman kung sa panahon ng tag-araw, ok naman din di ganong mainit ang iyong mararamdaman.
      Kaya't kung iyong makikita ang mga guro sa paaralang ito na masasaya dahil lahat sila ay nagkakaisa.